Tuesday, April 22, 2014

Bangus Na Hindi Lumalangoy

noon ko pa alam na bilog ang mundo na hindi ito lapad gaya ng inakala ng mga sinaunang tao, mabuti na lang at may mga tao na nagtiyagang maglakbay at magsulat ng aklat tungkol sa kanilang mga adbentura at mga pananaliksik. eh pano naman tong si mang juan, hanggang tsitsaron na lang yata ang alam kahit na ba masarap at nakakalibang, pwede mo bang gawing ulam lagi ang tsitsarong manok na hindi lumilipad? hindi nagkukurokokok, hindi rin nangingitlog?

ikaw, gusto mo bang lagi na lang bangus ang ulam mo? bangus na hindi lumalangoy, walang kaliskis, walang palikpik, at wala rin sa totoong dagat. kahit masarap ang inasal, hindi ka ba magsasawa sa kakakain mo ng inasal na naka plastik at tig piso isa?








alam ko sobrang sarap ng litson, ayan nagkalat ang mga litsong manok, litsong baka, litsong manok, at kung anu ano pa, mura lang, piso isang plastik. hindi ka na maghahanap ng sarsa, hinde ka rin maiinis kung ang nakuha mong sarsa ay panis o pinagpilian na dahil suka ang kadalasang pinapares sa mga yan.

sa totoo lang nasubukan ko na kumain ng ganyan, ayos rin naman, mabubusog ka sa dami ng kanin at sa limang baso ng tubig na malamig, ha ha ha ha! nag-ulam ako niyan noon dahil sa dalawang dahilan, una naku-curious ako, pangalawa ay walang sinipag magluto ng ulam ng araw na yun. eh kung nagugutom ka na, at nababalitaan mo namang marami ang nag-uulam pala ng tsitsiryang gaya ng bangus o dories, hinde ka ba susubok mag-ulam niyan?  wapak!! ang corny mo dude, kung ganyan ka ka-plastik at mahihiya umamin na nag-uulam ka ng tsitsirya, palagay ko hinde ka namen ma-re-reach niyan.

so ayun na nga, habang kumakain ako ng pananghalian na ang ulam ay tsitsirya, first time ko ha, eh gulat na gulat ako, okey naman pala, masarap rin, ayos rin kung madalian at talagang walang choice, baket hinde. so masasabi kong, im one of them na nga, isa sa mga tsittsirya diners na pwede nang ngumalot ng mga kung anu-anong makabagbag kalusugang tsittsirya na puno ng betsin at mga pinaghalo halong preservatives ng lipunan, tsitsirya diner na pwedeng kumain nun habang namamangha sa ganda at kislap ng mga neon lights sa mga nagtataasang gusali ng metro manila, tsitsirya diner na pwedeng magpapak habang nakikinig sa mga tunog ng pang gabing jeepney, bus, trak, traysikel at kotse sa liwanag ng mga umaandap-andap na ilaw ng maingay na lungsod.








 




sa mundong ito, maraming discoveries na nagaganap. yung iba hinde sinadya, yung karamihan pinagtiyagaan na matuklasan, at habang ang singkwenta porsiyento naman ay dulot ng pangangailangan. proud ako at isa ako sa mga nakaranas na ma-discover ang tungkol sa tsitsirya ulam. sobrang cheap na self-discovery pero may aral akong natikman. minsan pala masarap rin ang simplisidad.
minsan pala masaya rin maging jologs dahil kapag sinubukan mo kung ano ang ginagawa ng iba para ka na rin palang nag-evolve kasama sa pabago-bagong panahon. at hinde ka mahihirapan maki tawa sa mga jologs dahil naranasan mo yung mga ka-cheapan nila.