Wednesday, March 19, 2014

Ang Litsong Baboy Na Hinde Maubos-ubos

kung tutuusin mas mataba pa at mas mahaba ang pamagat ng artikulo na to kesa sa sinasabi kong litsong baboy na yun, kung iisipin mo para ka lang namamasyal sa mall of asia pero wala ka naman palang nabili, nagbitbit ka pa ng kasama, wala ka naman palang bubuhatin.


 ang ganda mo, tsong, ang pogi mo tsang, saan ka ba nakakita ng litson na hinde inamag kung ittago mo lang? tingnan mo baka meron pang natira dyan sa bulsa ng bestida na suot niyang cute mong persian cat, mabuti pa ang pusa maamo ang mata, samantalang ang tao laging nanlilisik ang mata parang sa horror movie.


 so eto na nga yun, may piyesta kaming pinuntahan wag mo nang tanungin kung saan imbento ko lang naman, ang siste naglabas ng isang buong litsong baboy nasa kawayan, pulang pula ang mansanas na nasa bibig, ang sarap paluin! akin na lang yan! gusto ko ang balat, crispy!!!! huwaaaaagggggg!!!! huwag nyo akong pigilan ayaw ko sa madamot sa mga malulutong na balat, heheheheh, parang ganyan ang sinisigaw ng isip ko, ayos ka "myself" ang drama mo. 


ayos nakadekwat rin ng konting litson, ang daming oil, hayup!! walang tisyu?! uy sosyal si "myself", pwede na tong laylayan ng tshirt ko, yaiksss!!! ang baboy mo "myself" wala ka nang pamunas mamaya ng sipon mo. so, paano kaya makadiskarte ng take home baboy... wala akong face para magsabi noh. mabuti pa kumain ako ng marami dito at sa susunod na may puntahan ule na bahay maguuwi na lang ako ng mga pasalubong. sige pa kain lang, baboy nilapa ng baboy, heheheh ang sama. 


 ayan tapos na ang kwento. nabusog na ako, pwede nang makapunta sa ibang bahay. may nakuha ka bang moral lesson? o wala kang napansin sa kwentong to kundi katakawan ko lang?... ang sama mo, dude. bbbbuuuurrrrrrpppppp^^^^

No comments:

Post a Comment