Wednesday, March 19, 2014

Masarap Na Noodles

oras na para mag almusal, tinatamad pa akong bumangon, tulad ng dati celphone agad ang hawak ko at kahit hinde nagtetext pindot ako nang pindot, pero sigurado ako hinde ako alien, gawain nyo rin eto lahat. anong naiba sa akin, pareho ko lang naman kayong parang mga baliw o ignorante sa celphone, natutulog nang katabi ang celphone at gigising na celphone pa rin ang katabi araw-araw hahahaha..

 pero eto ang totoo, sobrang sarap talaga ng super mainit na noodles, okey lang kung medyo maanghang basta wag lang yung nakakalundag sa kaanghangan, nakaka relax ang noodles dude, at nakakadagdag ng enerhiya naten sa loob ng mga limang oras o higit pa.


pero isang bagay ang nakatawag ng aking pansin sa pakete ng isang kilalang noodles, sabe dun may "hidden hunger" daw ang pilipinas. wow dude, alam mo ang lalim niyan, ibig sabihin may kutsabahan ang gobyerno at mga organisasyon sa bansa naten para hinde magmukhang nagugutom ang mga tao deto? detooo?? ooopppsss, i mean, DITO, hehehe wrong spelling.

payag ka nun, dude? ibig sabihin malamang isa ka sa istadistika ng factory ng noodles na yun na kabilang sa nagugutom at hinde mo lang pinapahalata sa friends mo dahil nahihiya ka sa oras na madapa ka o tangayin ng malakas na hangin ay tutuksuhin kang "nadapa sa gutom" kasi hinde ka kumain ng noodles.





oh bulls! ang sagwa naman ng imahe na yan, sabagay sabi nga "a picture is worth a thousand words", mabuti na lang at hinde larawan ng mga gutom na tao ang nilagay sa likod ng pakete ng noodles na yun pag nagkataon hinde ka makakakain ng noodles nila kasi mawawalan ka ng gana, hehehe, at sigurado naman akong hinde yun gagawin ng kahit anong kumpanya o factorya, mas masarap kumain kung pati ang sense of sight mo ay nasisiyahan rin, kaya nga lahat ng mga mabentang produkto ng pagkain ay yung may mga magaganda, malinis, at kaakit-akit na desenyo o pictures.

 

No comments:

Post a Comment